Ang “colonial mentality” ay ang patuloy na pagtangkilik sa
kultura, musika, at iba pa, ng ibang mga bansa. Madalas, ang mga Pilipino ay
may ganitong ugali. Maging sa pananamit, paggamit ng produkto, at kung anu-ano
pa. Sikat na sikat sa panahong ito ang mga kantang nanggagaling sa ibang bansa,
tulad ng “pop,” “rock,” etc. Atin ring nasasaksihan ang pagkahilig ng kabataan
sa K-Pop, o di kaya’y Korean Pop. Dahil dito, hindi na masyadong nabibigyan ng
pansin ang mga kantang ginawa ng mga Pilipinong manunulat. Hindi na natin
nagagamit ang ating sariling musika at sining upang mas mapalago ang ating
wika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento