Mithiin
Dahil dito, nais namin na matuto ang lahat na
tangkilikin ang sariling atin. Paano? Sa simpleng pakikinig sa mga kantang
Pilipino, at sa paggamit ng mga mensahe nito sa ating buhay. Tayo din ay
matututo na gamitin ang mga kantang ito, upang bigyan ng pagpapahalaga ang
Wikang Filipino. Ating mas naipapakita sa ibang tao kung gaano kalaki ang
importansya ng ating wika sa sining at kultura ng ating bansa. Atin ring
matutunan ang paggamit ng musika sa tamang paraan, upang ating mas maipabatid
sa madla ang ating sariling wika.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento