Home
Ang musika ay isa sa mga mabisang paraan upang ating
maipahayag ang iba’t-ibang wika ng bawat bansa o kultura. Tayong mga Pilipino’y
nakabubuo ng mga orihinal na kantang pinoy (OPM). Ngunit, dahil sa tinatawag na
“colonial mentality,” ating mas nabibigyan ng pansin ang mga kantang banyaga.
Hindi tuloy natin napapahalagahan ang ating sariling wika. Dahil dito, naisip
ng aming grupo na pagtuunan ng pansin ang isyung ito.
Sa makabagong
henerasyon ngayon ng kabataan, ating nakikita ang kanilang lubos na pagidolo sa
mga banyagang musikero. Dahil dito, hindi na tinatangkilik ang mga kantang
sariling atin. Kaya, ang magiging resulta nito ay ang unti-unting pagkalimot sa
kahalagahan ng wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang konseptong papel
na ito ay naglalaman ng mga impormasyon na nagpapatunay na ang patuloy na
pagyabong ng ating wika, ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng Musikang
Pinoy.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Kailangan natin talaga palawakin pa ang mga kantang OPM dahil sa ating wika na dapat maipagmalaki.
TumugonBurahinMakakatulong ang mga OPmusic dahil sa pamamagitan nito mas naipagmamalaki natin ang ating wika at maipakita na may ibubuga tayo sa pag dating sa larangan ng musika
TumugonBurahin